Mga magandang destinasyon para sa magkasintahan ngayong Valentines 2022

Isa sa mga hinihintay ng mga tao ang buwan ng pebrero kung saan ginugunita ang Valentines day. Iba’t ibang mga pasyalan din ang naghahanda dito dahil panigurado ay dadagsain sila ng mga magkasintahan kahit pa may pandemya ngayon. Kung naghahanap kayo ng pupuntahan, tara na at silipin ang Bulacan dahil busog kana mapupuno pang litrato ang iyong cellphone sa dami ng magandang tanawin dito.

Mga magandang destinasyon ngayong Valentines 2022

1. The Rising Heart sa San Jose Del Monte City

Valentines
The Rising Heart (Photo from FB/Inside San Jose)

Ang Rising Heart ay matatagpuan sa Barangka Road, Barangay Paradise III, San Jose Del Monte, Bulacan, kung ang bansang Paris ay may love lock hindi magpapaiwan ang Bulacan dahil dito ay pwede ka rin maglove lock at mag Relationship time kasama ang iyong Boyfriend o Girlfriend.

Mas maeenjoy mo ito dahil sa rutang dadaanan niyo dahil para kang nasa ibang lugar at mas naiinisin mong wag na umuwi sa inyong lugar. Sa unang punta mo sa The Rising Heart ay syempre makikita mo ang hugis puso na simbolo ng pagmamahalan kaya talagang perfect ito para sa mga magkasintahan.

Read Ang Kauna-unahang Colored 2D Art Café sa bansa ay nasa Bulacan

2. Barasoain Church sa Malolos City

Valentines
Barasoain Church

Kung ang hanap naman ninyo ay lugar kung saan pwede muna kayong magnilay nilay ang isa sa mga pinakasikat at banal na lugar sa Bulacan ay ang Barasoain Church sa Malolos Bulacan.

Hindi lang mga reliyihosong mga tao ang pumupunta at bumibisita dito dahil talagang naging isang tourist spot na ito sa probinsya, kaya kung mahilg kayong magdasal ng karelasyon mo wag niyong palalampasin ang pagkakataon na pumunta sa simbahan na ito.

Ang simbahan na ito ay kasama na kasaysayan ng Bulacan at paniguradong mae-enjoy niyong maglakad lakad dito dahil para kang binalik sa panahon sa itsura ng simbahan.

Read BARASOAIN CHURCH: A Symbol of History and Faith for 4 Centuries

3. Cafe Sucre sa Guiguinto

Valentines
Cafe Sucre (Photo from FB/Café Sucré)

Maraming mga turista ang madalas na hinahanap ay kainan o di kaya tambayan upang makapgusap, Sa darating na valentines panigurado Aesthetic dates ang gusto ninyo kaya sakto ang Café Sucré para sa inyo matatagpuan ang Café Sucré sa Guguinto Bulacan at wala pang dalawang oras mula sa maynila ay mararating muna ang coffee shop na ito.

Hindi lang mainit na kape at magandang lugar ang kayang ihain ng Café Sucré sa inyong valentines date dahil maeenjoy mo rin dito ang mga version ng pasta at pizza na talagang naman mapapa IG Story ka sa sarap, kung sweets naman ang gusto mong kainin syempre hindi sila mawawalan niyan dahil meron din silang macaron at mga slice of cakes na tinatawag nilang Sucré (means Sweets).

Bukod sa mga yan naghahain din sila ng mga Espresso Based Coffee na talaga namang perfect para sa valentines date ngayong 2022, syempre nagooffer din sila ng Tea, Non-Coffee, at pastries na talagang mapapapost ka sa iyong social media account.

4. Kalayaan Tree sa Malolos City

Valentines
Kalayaan Tree

Ang perfect date sa valentines ay kulang kung wala kang pupuntahan na historic place at ang Bulacan ay isa sa mga lugar na maraming mga makakasaysayan na lugar, ang Kalayaan tree o Tree of Freedom sa English ay isang lugar na talaga namang punong puno ng ala-ala ng dating panahon dahil sa mga kwentong meron dito at paniguradong gugustuhin ninyong makumpleto ang valentines date sa pagkuha ng litrato ng magkasama sa Kalayaan tree.

Read KALAYAAN TREE of Malolos: The Legendary 125 Year-Old Tree

5. Mt. Balagbag sa San Jose Del Monte City

Valentines
Mt. Balagbag View Deck (Photo from Byaherosibes.com)

Ang hiking ay isang exciting na gawain lalo na kung kasama mo ang iyong mahal kaya kung wala pa kayong gaanong alam sa pagakyat sa bundok, perfect ang Mt. Balagbag sa San Jose Del Monte para sa inyo at isang sobrang gandang experience ang mararanasan niyo sa valentines day.

Sobrang lapit lang nito sa maynila at wala pang 3 hours ang byahe upang makarating dito, panigurado rin na di niyo makakalimutan ang pagpunta dito dahil matatanaw niyo ang mga lugar sa San Jose Del Monte at ang karatig na lugar nito katulad ng San Mateo Rizal.

Sa lugar din na ito ay maeenjoy mo ang magpicture kasama ang iyong pamilya o kasintahan dahil it’s a best selfie spot dahil kahit saan ka dumako ay sobrang ganda ng iyong background, Syempre ang pagakyat ay kasama sa adventure na pwede niyong bigyan ng moment ng mga kasama mo lalo na kung aakyat kayo sa Valentines na talaga namang sobrang memorable.

Kung budget trip lang, dito na kayo pumunta dahil wala pang 400 pesos ang pwede niyong magastos pero masusulit niyo ang quality time sa araw ng mga puso.

Read What is Bulacan famous for? Give Us Your Top 3 Answers

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *